Two months din akong naging
bakante at walang ginawa sa bahay ng Tito ko kondi mag-linis ng bahay, mag-laba
at kung anu-ano pang gawaing bahay. Kulang nalang bigyan ako ng isang award eh,
“Ang Dakilang Tambay.” Pag-napapagod nang gumawa ng mga gawaing bahay, paapply-apply
minsan sa mga call centers dito sa Metro Manila, pero ilang beses din akong
hindi nakakapasa sa final interview. Hindi ko nga alam kung bakit eh, sabi
naman nila ang final interview ay formalization lang, pero bakit ganun?
Isa pang kompanya ang nahirapan
akong nahapin sa Ortigas. Nilibot ko pa ang Ortigas Center at pinilit kong
hanapin yung gitna ng Ortigas Center kasi malapit lang daw dun ang Shaw. Pero
pumayat na ako dahil sa pawis kong nag-laglagan na, hindi ko parin nakita ang Shaw
naya, Shaw nga diba?? Bat hindi ko makita? Hahaha. Nagets nyo ba yung joke ko?? Pang-matatalinong joke lang yun. Sabi ko tuloy sa sarili ko: "Shaw me the way!" hahaha
Nung nakita ko na yung building
nila, the same process pero ang initial interview nila bongang parang isang
klase sa skul dahil sa mahigit 20 na applicants ang nasa loob ng isang kwarto
at parang nag-roroll call lang ng attendance ang interviewer, tapos bato ng initial interview
questions, while the applicants were standing in front of the other applicants. Kalowka diba? Natuwa ako dahil in the end, naipasa ko ang lahat ng
proseso at binigyan nila akong schedule ng training, but without contract singing, may ganern pala no? Update ko kayo soon sa mga
mangyayari sa training, exicted na ako.