About the Author

Ako si Dinah, dalawamput-limang taong gulang at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang call center. Mag-isang namumuhay dahil naiwan sa probinsya ang aking pamilya. Lahat ginagawa ko upang matustusan ang aking pang araw-araw na pamumuhay. Sinisigurado kong hindi darating ang pagkakataong magutuman ako dito sa Maynila. Isang karpentero ang aking ama at naglalako naman ng mga lutong ulam ang aking ina. Pangatlo ako sa anim na mag-kakapatid; ang panganay naming ay may asawa at isang anak, pero nakatira parin sa mga magulang naming. Ang pangalawa naman ay babae at may asawa narin at dalawang anak, may sarili na silang bahay. Pang-apat naman ay isang lalaki, nagtatrabaho daw sya sa Nissin, hindi ko alam kung anu ang posisyon nya doon. Ang panlima at pang-anim naman ay parehas na nag-aaral sa high school.

Maliban sa pag-tatrabaho bilang isang call center agent, sinisikap ko ding pasukin ang showbisness. Audition dito, audition doon and hoping to shine someday. Sinusubukan ko din ang pagbablog, malay natin bigla akong sumikat at magkapera dito. Isa lang talaga ang hangarin ko sa buhay, umunlad lang; yun lang at syempre kaakibat narin dito ang pagkakaroon ng bahay at lupa, kotse, business at kung anu-ano pa.

Ginawa ko ang blog na ito upang ipabasa sa iba kung paano mamuhay ang isang simpleng taong gustong umunlad sa buhay sa kahit anung pamamaraan. Ang blog na ito ay ang aking dayari kung paano kong hinarap, hinaharap at haharaping mag-isa ang mga pagsubok sa buhay.

Mahirap Maging Mahirap

Maging isang Dokumentarista – yan ang aking pangarap! Gagawin ko ang lahat upang maisakatuparan ang pangarap na yan. Gusto kong patunayan na hindi man ako nakapagtapos ng isang kurso sa Mass Media, mararating ko ang aking pangarap sa pamamagitan ng pag-susulat sa blog na ito. Ito ang magbibigay impormasyon at mag-sisilbing tulay upang maipahayag ko ang aking mga nararamdaman sa mga bagay-bagay na nararamdaman ko. Ang blog na ito ang magiging dokumento ng simpleng pamumuhay ng mga taong pumukaw sa isipan ko.

No comments:

Post a Comment