Start palang ng training namin
today, pero medyo nag-nonose bleed na agad ako, panu naman kasi puro kami
Ingles sa loob ng training room, at maski sa labas hangga’t nasa company
premises ka, naka-English Mode ON ka, kakalowaka diba? Ginagawa namin ito dahil
sa isang polisiya na ibinigay sa’min, ito ang tinatawag na EOP Policy. Hindi ko
rin magets kasi ang mga callers namin ay mga Pinoy nakatira sa Japan na
mayroonG TFC (The Filipino Channel) ng ABS-CBN Global, so alam nyo na kung
saang kompanya ito?
Anyways, the main purpose of this
EOP (English Only Please) Policy is to make all the trainees feel comfortable
and to enhance the ability of all the front liners to use the English language.
Majority of the call centers in the country consider English as their primary
language because a lot of the centers cater US clients. Tagalog is considered as the second language,
sorry nalang kay Sir Manuel L. Quezon who proclaimed that the Tagalog is the
National language of the Philippines.
Noong una, medyo mahirap para
sakin, kasi nga first time mag-trabaho sa ganitong field. Idag-dag pa natin ang
pagiging conscious ko habang nagsasalita dahil na preressure ako sa mga kasama
kong taon-taon na sa ganitong industriya, kaya batay sa pandinig ko eh fluent sila, para silang mga anak isang Pinay na nakapangasawa ng banyaga. Pero habang tumatagal, medyo nagiging
natural na ang pag-iEnglish ko at nagiging fluent na ako, feeling ko lang huh,
hindi ko alam sa pagdinig ng iba. Abangan ang mga susunod na kabanata, anu kaya ang mga mangyayari sa training, maipapasa ko kaya ito?