“Kowya, beyed po? Kekeshekey lang
powh.” Isang boses ang aking narinig mula sa likuran ng jeep. Hindi po yan
jejemon huh at wala din po yang braces sa mga ngipin, isang lalaki lang po yan
na nag-paaabot ng pamasahe sa tsuper. Alam kong madalas nyong marinig ang mga
salitang yan kapag nasa jeep, tama? Minshan genen din eko eh. Hahaha. Wala
naman akong braces sa mga ngipin, minsan nakiki-uso lang. Tanggapin na natin
ang katotohanang marami sa atin ang ganun, hindi lang mga sosyal na estudyante
sa mga unibersidad, maski yung mga taong nagtatrabaho sa call center at mga
papansin ganun di kung mag-salita.
“Kowya sha bebeen leng powh!”
Sigaw n’ya ulit nung s’ya ay pababa na. Hindi ko maiwasang ngumiti kahit pa may
nakapasok na earphone sa aking mga tenga, rinig na rinig ko parin at
nagkatingin pa nga kami ni Mam na nasa harapan ko eh. Sa pandinig ng isang
napaka-simpleng tao sa bayan ni Juan, ang mga katagang “ang arte-arte naman
neto, mag-babayad lang eh” ang mabubuo sa isipan, diba? Aminado akong, may mga
taong nakakatuwang marinig kapag may nagsasalita ng konyo, pero sabi nga nila: “Ang lahat sa mundong ito ay may
binabagayan,” which is so true, agree? Sorry sa iba, pero majority ng naririnig
ko eh hindi bagay.
Wala namang masama sa tunog
jejemon na pag-sasalita, kung san tayo kumportable, e dey suportahan taka!
Siguro bitter lang ako, pero ang masama, may mga tao lang talagang over acting
or trying hard sa kakunyuhang yan na alam naman nating “ang mali kahit kelan hindi magiging tama.” Bakit nasabi ko ang ganun,
kasi naman hindi na nga natin ma-perfect ang Pilipino at English, lilituhin pa
natin ang ating mga sarili sa ibang ligwahe. Marami narin akong na-encounter na
konyo-konyuhan ang peg, and I know their reason was to put themselves to the
top. Hirap mag-English, in short: “pag-nagkonyo-konyuhan ako, mas mataas ako sa
inyo, at nasa baba ko kayo.” You know what I mean.
Motto ng araw na ito
ay: “Ang mga bagay-bagay sa mundo ay may binabagayan.”