Monday, 29 July 2013

Konyo-konyuhan, taga Call Center pala

Kowya, beyed po? Kekeshekey lang powh.” Isang boses ang aking narinig mula sa likuran ng jeep. Hindi po yan jejemon huh at wala din po yang braces sa mga ngipin, isang lalaki lang po yan na nag-paaabot ng pamasahe sa tsuper. Alam kong madalas nyong marinig ang mga salitang yan kapag nasa jeep, tama? Minshan genen din eko eh. Hahaha. Wala naman akong braces sa mga ngipin, minsan nakiki-uso lang. Tanggapin na natin ang katotohanang marami sa atin ang ganun, hindi lang mga sosyal na estudyante sa mga unibersidad, maski yung mga taong nagtatrabaho sa call center at mga papansin ganun di kung mag-salita.

Kowya sha bebeen leng powh!” Sigaw n’ya ulit nung s’ya ay pababa na. Hindi ko maiwasang ngumiti kahit pa may nakapasok na earphone sa aking mga tenga, rinig na rinig ko parin at nagkatingin pa nga kami ni Mam na nasa harapan ko eh. Sa pandinig ng isang napaka-simpleng tao sa bayan ni Juan, ang mga katagang “ang arte-arte naman neto, mag-babayad lang eh” ang mabubuo sa isipan, diba? Aminado akong, may mga taong nakakatuwang marinig kapag may nagsasalita ng konyo, pero sabi nga nila: “Ang lahat sa mundong ito ay may binabagayan,” which is so true, agree? Sorry sa iba, pero majority ng naririnig ko eh hindi bagay.

Wala namang masama sa tunog jejemon na pag-sasalita, kung san tayo kumportable, e dey suportahan taka! Siguro bitter lang ako, pero ang masama, may mga tao lang talagang over acting or trying hard sa kakunyuhang yan na alam naman nating “ang mali kahit kelan hindi magiging tama.” Bakit nasabi ko ang ganun, kasi naman hindi na nga natin ma-perfect ang Pilipino at English, lilituhin pa natin ang ating mga sarili sa ibang ligwahe. Marami narin akong na-encounter na konyo-konyuhan ang peg, and I know their reason was to put themselves to the top. Hirap mag-English, in short: “pag-nagkonyo-konyuhan ako, mas mataas ako sa inyo, at nasa baba ko kayo.” You know what I mean.

Motto ng araw na ito ay: “Ang mga bagay-bagay sa mundo ay may binabagayan.