Kakauwi ko lang, ito medyo mabigat ang pakiramdam ko dahil siguro sa
pag-donate ko ng dugo kagabi. Medyo nag-aadjust pa ang katawan ko sa
450CC na blood na nabawas sa katawan ko. Pero medyo okay narin naman at
ako'y nakapag-apply na sa isang call center along Marcos Highway. As
usual, nahuli nanaman akong matawag at matapos sa mga exam at
interviews.
Isang nagpa-nga-nga sakin sa recruitment process eh yung Versant Test.
Matagal na akong nasa BPO industry at hindi ako baguhan sa mga ganitong
exam pero naka 3 takes ako at hindi ko parin naipasa. Ayun kailangan ko
tuloy bumalik bukas para sa account validation. Sabi nila kailangan daw
malakas ang boses, clear at hindi masyado mabilis; pero nga-nga parin
ako hindi ko na alam gagawin. Ako nalang ang sumuko eh.
Anyways, sa mga walang idea kung anu ang Versant Test, ito yung
exam na-itetake gamit ang telepono na kung saan masusukat ang kakayahan
mong gamitin ang English language. May mga sentences na ipapabasa at
ipapaulit sayo; ang ibang part naman ay pag-sagot sa mga tanong na
ura-urada. Ang system mismo ang mag-rerate sa communications skills mo;
kung gaano ka ka-clear masalita at ikaw ba ay naiintindihan o hindi ng
magiging customers mo.