Wednesday, 28 January 2015

Versant, anung secreto mo?

Kakauwi ko lang, ito medyo mabigat ang pakiramdam ko dahil siguro sa pag-donate ko ng dugo kagabi. Medyo nag-aadjust pa ang katawan ko sa 450CC na blood na nabawas sa katawan ko. Pero medyo okay narin naman at ako'y nakapag-apply na sa isang call center along Marcos Highway. As usual, nahuli nanaman akong matawag at matapos sa mga exam at interviews.
 
Isang nagpa-nga-nga sakin sa recruitment process eh yung Versant Test. Matagal na akong nasa BPO industry at hindi ako baguhan sa mga ganitong exam pero naka 3 takes ako at hindi ko parin naipasa. Ayun kailangan ko tuloy bumalik bukas para sa account validation. Sabi nila kailangan daw malakas ang boses, clear at hindi masyado mabilis; pero nga-nga parin ako hindi ko na alam gagawin. Ako nalang ang sumuko eh.
 
Anyways, sa mga walang idea kung anu ang Versant Test, ito yung exam na-itetake gamit ang telepono na kung saan masusukat ang kakayahan mong gamitin ang English language. May mga sentences na ipapabasa at ipapaulit sayo; ang ibang part naman ay pag-sagot sa mga tanong na ura-urada. Ang system mismo ang mag-rerate sa communications skills mo; kung gaano ka ka-clear masalita at ikaw ba ay naiintindihan o hindi ng magiging customers mo.