Wednesday, 28 January 2015

Versant, anung secreto mo?

Kakauwi ko lang, ito medyo mabigat ang pakiramdam ko dahil siguro sa pag-donate ko ng dugo kagabi. Medyo nag-aadjust pa ang katawan ko sa 450CC na blood na nabawas sa katawan ko. Pero medyo okay narin naman at ako'y nakapag-apply na sa isang call center along Marcos Highway. As usual, nahuli nanaman akong matawag at matapos sa mga exam at interviews.
 
Isang nagpa-nga-nga sakin sa recruitment process eh yung Versant Test. Matagal na akong nasa BPO industry at hindi ako baguhan sa mga ganitong exam pero naka 3 takes ako at hindi ko parin naipasa. Ayun kailangan ko tuloy bumalik bukas para sa account validation. Sabi nila kailangan daw malakas ang boses, clear at hindi masyado mabilis; pero nga-nga parin ako hindi ko na alam gagawin. Ako nalang ang sumuko eh.
 
Anyways, sa mga walang idea kung anu ang Versant Test, ito yung exam na-itetake gamit ang telepono na kung saan masusukat ang kakayahan mong gamitin ang English language. May mga sentences na ipapabasa at ipapaulit sayo; ang ibang part naman ay pag-sagot sa mga tanong na ura-urada. Ang system mismo ang mag-rerate sa communications skills mo; kung gaano ka ka-clear masalita at ikaw ba ay naiintindihan o hindi ng magiging customers mo.

Wednesday, 30 July 2014

Sun Broadband - Super Unreliable

Three weeks na akong walang trabaho sa ngayon, hindi dahil tamad ako, may inaantay lang akong pinag-applyan ko last week. Gusto-gusto ko ang trabahong yun, kaya waiting galore talaga ako. While waiting, binabalikan ko ang mga part time jobs ko, gaya ng pagiging extra sa mga tapings and blogging.

ANNOUNCEMENT! Gamit ang aking android phone, pagbukas ko ng aming talent group sa facebook, yan agad ang gumulantang sakin. Panu naman kasi, taping at wala daw qualifications na hinahanap, picture lang, kasi daw iba-ibang klase ng talents kailangan nila. "Please send your photos to this email address . . . . " Walang patumpik-tumpik pa, agad kong kinuha laptop ko at nagbukas ng email ko to attach my gorgeous photos.

Sad to say, location ko: Cainta, Rizal, pero halos isang oras na akong nagbubukas ng gmail account ko, ayaw parin magbukas (please check photo above.) I tried opening my blogger account, hala ganun din. Excellent naman ang signal strength tapos naka HSDPA naman, but the speed of it is so UNRELIABLE. Tatlong taon na akong nagtitiis dito sa broadband nato, hindi ko naman maiwan kasi ang Smart totally walang pakinabang. Ang TM prepaid sim ko naman kahit papanu friendly sya pero hindi kasi maapprove plan ko sa Globe eh.

Sa mga gustong mag-avail ng mga broadband services sa mga mobile telecom companies, please beware sa signal strength sa lugar nyo. I do suggest na mang-hiram at mag-try muna kayo ng isang prepaid broadband sim, gamitin nyo ito sa lugar nyo mismo bago kayo kumuha ng isang plan. Kasi kapag nakaplan na kayo, naka lock-in na kayo sa mga kompanyang yan, kaya no choice kayo kundi ipag-patuloy. Kagaya ko, I have no choice, nagkulang ako eh, nadala ako sa mga commercial sa TV.

Thursday, 24 July 2014

Final Interview with the Client

12:05AM - I received a phone call from one of the recruiters of the center I applied two days ago. He said: "Congratulations! You passed the Operations Manager Interview held last night so please send me another set of your resume thru email because we'll be going to forward your resume to our client for a client interview, which will be your final interview."

"Sure!" yun lang ulit ang nasabi ko sa recruiter at sobrang masaya ako nung mga panahong yun. Habang ako'y nagbrowse ng updated resume sa laptop ko, nainis lang ako kasi ang Sun Broadband ko sobrang bagal, at hindi pa talaga ako makapag-upload ng resume as attachment. Kakainis diba? Ganoong oras, ambagal parin, kainis talaga! Natulog nalang ako ulit.

Alas singko ng umaga, nagising ako at pumunta sa bakery para bumili ng pan de sal sa malapit sa apartment ko at nagpaload sa TM Sim ko, ito ang gagamitin kong pang-internet since walang pakirambang ang Sun Broadband ko sa araw na ito at kailangan ko pang mag-email.

Medyo umuulan parin today, napapansin kong kapag nag-aaplay palaging umaarte ang kalangitan no? Anyways, medyo nagkaproblema ang paningin ko sa oras. siguro dahil medyo na-excite ako, at ang interview ko ay 9:45PM, ang akala kong oras nayan ay 8:45PM palang pala, kaya ayun medyo sobrang aga ko. Pero okay lang blessing in disguise naman sya, kasi antagal kong nakasakay ng jeep dahil medyo daming nag-aantay.

Bonga ang client interview ko today, nasa conference room kami ng kompanya, with two senior team leaders at kausap namin thru video conference and client fresh from the US, at medyo pogi pa sya. The interview lasted 15 minutes tapos pinauwi na ako, recruitment people will be in-charge to contact me if I pass the final interview. Hopping ako today! And till next time.