Wednesday, 30 July 2014

Sun Broadband - Super Unreliable

Three weeks na akong walang trabaho sa ngayon, hindi dahil tamad ako, may inaantay lang akong pinag-applyan ko last week. Gusto-gusto ko ang trabahong yun, kaya waiting galore talaga ako. While waiting, binabalikan ko ang mga part time jobs ko, gaya ng pagiging extra sa mga tapings and blogging.

ANNOUNCEMENT! Gamit ang aking android phone, pagbukas ko ng aming talent group sa facebook, yan agad ang gumulantang sakin. Panu naman kasi, taping at wala daw qualifications na hinahanap, picture lang, kasi daw iba-ibang klase ng talents kailangan nila. "Please send your photos to this email address . . . . " Walang patumpik-tumpik pa, agad kong kinuha laptop ko at nagbukas ng email ko to attach my gorgeous photos.

Sad to say, location ko: Cainta, Rizal, pero halos isang oras na akong nagbubukas ng gmail account ko, ayaw parin magbukas (please check photo above.) I tried opening my blogger account, hala ganun din. Excellent naman ang signal strength tapos naka HSDPA naman, but the speed of it is so UNRELIABLE. Tatlong taon na akong nagtitiis dito sa broadband nato, hindi ko naman maiwan kasi ang Smart totally walang pakinabang. Ang TM prepaid sim ko naman kahit papanu friendly sya pero hindi kasi maapprove plan ko sa Globe eh.

Sa mga gustong mag-avail ng mga broadband services sa mga mobile telecom companies, please beware sa signal strength sa lugar nyo. I do suggest na mang-hiram at mag-try muna kayo ng isang prepaid broadband sim, gamitin nyo ito sa lugar nyo mismo bago kayo kumuha ng isang plan. Kasi kapag nakaplan na kayo, naka lock-in na kayo sa mga kompanyang yan, kaya no choice kayo kundi ipag-patuloy. Kagaya ko, I have no choice, nagkulang ako eh, nadala ako sa mga commercial sa TV.

No comments:

Post a Comment