Alas otso palang ng umaga,
pagkatapos manood ng One Piece; inihanda ko ang aking sapatos na gawa sa balat,
jeans at ang checkered kong long sleeve. Naligo na ako at nagprepare, kahit pa
medyo umuulan at makulimlim ang panahon. Porsegido na akong maghanap ng
trabaho, kasi naman nauubos na ang kayamanan ko. Nabuburyong ako sa apartment,
walang magawa puro nalang panunuod ng anime, drama, horror at pati hubaran
pinanood ko narin, pampainit lang, kasi medyo umuulan eh.
Hindi ko alam kung lumaki ang paa
ko, o talagang maliit lang talaga ang sapatos ko, sabi nga nila: “tiis ganda”
ang peg ko today. 10:30AM, sinadya ko ang Eastwood sa Libis para sa isang
interview sa IBM Plaza. Initial interview -> pasado! balik daw bukas para interview with recruitment
manager. Pagkatapos naman sa unang kompanya, sinadya ko naman ang isa pang call
center, E.Commerce -> initial interview -> PASSED! Balik daw tonight at 10:30PM. Umuwi na ako
na puno ng kompyansa at hopeful na makakahanap ako ng panibagong pagkakakitaan, medyo nauubos na kasi kayamanan ko sa bangko eh. Pagkabalik ng bahay, nood tv, kain at tulog lang ginawa ko.
10:30PM, balik kompanya naman ako,
but I was informed to be back tomorrow because the operations manager who will
be conducting the interview is out of office for a reason. So, naglakad akong
may lungkot sa mga mata at sinabayan pa ng pag-bagsak ng ulan. Haaayyy. Bukas
ulit, anu kayang mangyayari?? Abangan, till next time.
No comments:
Post a Comment