Monday, 14 July 2008

Common Call Center Interview Questions

It’s been few weeks now from the day I submitted my resignation to my previous employer. I am still waiting for my final pay from them, sayang din yun. Bilang isang responsableng mamamayan dito sa Pilipinas, ilang beses din akong tumambay sa mga recruitment hubs ng iba’t-ibang call centers sa iba’t-ibang panig ng Kamaynilaan. Sabi nga ng Tito ko, bakit daw ako hindi mag-try mag-apply bilang waiter or crew sa mga fast food chains. Pero sabi ko lang, parang hindi ko pa kaya, kasi base sa mga nakikita kong ginagawa nila, feeling ko hindi ako mag-eenjoy. Sa halip, mas pinag-igihan ko pa ang proseso ng recruitment ng mga call center. Nag-research at nilista ko din ang mga kadalasang mga katanungan na ibinabato sa mga aplikante.


Common Call Center Questions:

1       Tell me about yourself.
2      Why did you leave your last job?
3       Why call center?
4      What is you short and long term goal?
5      What are your weaknesses?
6       How to do you provide excellent customer service?
7       Who do you see yourself after 5 years from now?
8       How would you describe the color blue to a blind person?
9       Do you have any question for me?

No need to have an American accent; spontaneity and thought organization are both important during the interview. Since you are applying for a front liner position, like customer service representative and technical support representative, communication skills is important. Interviewer measures the ability of the applicant to convey his/her point in English language; so be HONEST, be natural and be yourself! Impress the interviewer with your ability!

Monday, 7 July 2008

Leaving for a Greener Pasture

Habang tumatagal mas lalo akong napapagod sa ginagawa ko. Ang akala kong gusto at pangarap kong trabaho hindi pala ganito kasaya. Araw-araw akong nakakatanggap ng mura mula sa aming mga subscribers na Pilipino, since we are providing customer service and technical support for a local telecom company – prepaid.


It’s been 8 months now working with this company; handling the same tasks everyday, speaking and helping others – that’s one of the disadvantages of working in a call center, being stuck to the same task. At first everything was fine, pero habang tumatagal medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko at parang gusto ko na talagang kumawala.

Nangyari pang nagkasakit ako ng dalawang araw, and I wasn’t able to inform my supervisor. He tried to reach me out, but when he called me, tulog ako dahil nga not feeling well. Aminado naman ako sa mga nangyaring yun, so I informed my sup that I will be going to present my resignation letter when I get back, nahiya ako eh.

Today, I just presented my resignation letter; my supervisor received and signed it. But, when I proceeded to our Program Manager to have it signed, she wrote “AWOL” on top right side of my letter. She explained that she was informed by my supervisor about what happened. “Okay lang, kayo nawalan, hindi ako! Marami pa namang kompanya sa tabi-tabi eh” yun lang ang nasa isip ko nung mga panahon yun, pero aminado akong may lungkot akong naramdaman.

Friday, 14 March 2008

Si Ma’am daw ang nagpapakain sa Akin

Thank you for calling -------, how may I help you?” Yan ang opening speil ko kapag may tawag na pumapasok sa aking avaya. Avaya ang aming tawag sa teleponong ginagamit sa pag-tanggap sa mga tawag mula sa ming mga customer. Sa bawat tawag, pag-tulong at pasensya ang kadalasan ko ibinibigay sa aming mga customer. May mga pag-kakataong nakakaya kong itago ang pagka-piko at nagagawa ko pang makipag-plastikan sa kanila, pero may isang pag-kakataong napuno na ang salup.

Isang babaeng naka base sa London ang tumawag at nag-rerelakmo ng kanyang nawawalang load kahit walang syang ginagawang transactions. Ipinaliwanag ko na nawala ang kanya prepaid load dahil nag-expire na ito. Pero imbes na intindihin ang aking pag-papaliwanag sa mga nangyari, bigla nalang s’yang nagmura at nagalit. Sabi pa nya: “Hindi mo ba alam na ako ang nag-papakain sayo at sa pamilya mo? Dapat tinutulungan mo ako!” Hindi ko alam pero bigla ding uminit ang ulo ko, at agad akong sumagot: “Mag-ingat po kayo sa sinasabi ninyo Ma’am, kahit kalian, hindi ho kayo nag-padala sa akin ng pera para pang-kain ko at ng pamilya ko!” Pasigaw na sumagot din agad si Ma’am: “Yung sinusweldo nyo dyan, kanino ba nanggaling huh, sa aming mga customers nyo?” “Ma’am, sa isang buwan 100 pesos lang ho ang niloload nyo para maging active lang ang roaming nyo, panu pong pinapalamon nyo ako at ng pamilya ko?” Medyo mataas ng ang boses ko ng mga sandaling yun. Imbes na sumagot pa, agad nyang ibinaba ang tawag, siguro napahiya s’ya.

Malakas ang loob kong mag-salita ng ganun, kasi walang nakabantay na Quality Analyst at naka-disable din ang aming recording nung mga oras nayun, kaya walang naging problema. Sanay na akong mag-handle ng mga irate customers, pero pag-usapang pamilya, medyo hindi ko na kayang pigilan ang aking sarili, lalaban talaga ako, kahit mag-ingles pa ako. Isang buong araw kong kinimkim ang galit ko na iyun sa aking customer.

Wednesday, 16 January 2008

Iba talaga pag Made in China

Bibili ba ako o bibili ako? Kahit yung mumurahin lang.” Yan ang tanong na palaging nasa isip ko, panu naman kasi, antagal ko ng kumikita ng pera dito sa Kamaynilaan, hindi ko parin napapalitan ang Nokia 8210 na bigay pa sakin ng aking Tatay. Namamatay-matay na nga yung telepono kapag may tumatawag sakin eh, so instead na palitan ko ang battery, buong telepono nalang ang bilhin ko, tapos ibalik ko nalang sa aking Ama ang luma, total sa kanya naman talaga yun diba? Pagkatapos ng ilang beses an pag-iisip kung “Bibili ba ako o bibili ako?” Sa wakas, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. 
 
Sobrang aga kong nagising, nagprepare at pumasok sa office kasi dadaan lang muna akong St. Francis Square, hindi para bilangin kong apat ang sides nito at kung meron din itong right angles, kundi para bumili ng isang second had na cellphone. Bakit second hand lang? Kasi yun lang kaya ng aking budget eh. Gusto ko kasi may camera at 3G capable, e medyo mahal ang presyo nung mga nakkita ko sa shop ng Nokia sa Robinsons Galleria, kaya ganun. 

Ayun nga, medyo maaga talaga akong nakarating ng St. Francis at pag-pasok na pag-pasok ko andaming sumasalubong sakin. “Mam Sir cellphone po, meron tayong mga brand new, second hand and accessories, anu po gusto nyo?” Sana lang talaga ganun kadaling mag-sabi na yan gusto ko, kaso limited budget natin mga sir mam eh. Pero napasin kong halos iisa ang mga greetings ng mga nag-titinda doon huh, hindi ko alam kung prinaktis nila yun.

Libot-libot lang muna ang ginawa ko at nag-hahanap ng bet ko. Naguluhan ako sa mga inooffer sakin nila Mam at Sir, pero iisang unit lang ang kumuha ng aking atensyon, ito ang Nokia N95. Since nag-tatrabaho ako sa isang telecom company, alam ko na bago ang unit na ito at ang specs nito. “Magkano po dito?” Sabay kong turo sa yunit. “Ito, limang libo lang!” Sagot din naman ni Mam. “Eh kung iswap ko tong 8210 ko, magkano idadagdag ko?” Tanong ko sa kanya. “Dagdag nalang po kayo 2,500 pesos,” sagot din naman ni Mam.

At dahil naamaze ako sa histsura nito tapos mura pa, agad akong kumuha ng pera sa aking bulsa at ibinigay ang cellphone ko kasama ang charger na noo’y nakalagay sa sling bag ko. Pagkatapos kunin ang resibo, agad akong bumalik sa opisina kasi nalalapit na ang oras ng aking log-in. At habang nag-lalakad, binuksan ko ang cellphone na aking nabili at nag-browse ng kung anu-anong nitong features. Pero imbis na matuwa, nadismaya ako sa aking nakita, china phone pala ito at kaya mura at hindi ganun kaganda ang quality ng photos na naka-store dito. Wala akong nagawa kundi tanggapin nalang ang katutuhanan, kaya kayo mag-ingat sa mga binibili huh.