“Thank you for calling -------,
how may I help you?” Yan ang opening speil ko kapag may tawag na pumapasok sa
aking avaya. Avaya ang aming tawag sa teleponong ginagamit sa pag-tanggap sa
mga tawag mula sa ming mga customer. Sa bawat tawag, pag-tulong at pasensya ang
kadalasan ko ibinibigay sa aming mga customer. May mga pag-kakataong nakakaya
kong itago ang pagka-piko at nagagawa ko pang makipag-plastikan sa kanila, pero
may isang pag-kakataong napuno na ang salup.
Isang babaeng naka base sa London
ang tumawag at nag-rerelakmo ng kanyang nawawalang load kahit walang syang
ginagawang transactions. Ipinaliwanag ko na nawala ang kanya prepaid load dahil
nag-expire na ito. Pero imbes na intindihin ang aking pag-papaliwanag sa mga
nangyari, bigla nalang s’yang nagmura at nagalit. Sabi pa nya: “Hindi mo ba
alam na ako ang nag-papakain sayo at sa pamilya mo? Dapat tinutulungan mo ako!”
Hindi ko alam pero bigla ding uminit ang ulo ko, at agad akong sumagot:
“Mag-ingat po kayo sa sinasabi ninyo Ma’am, kahit kalian, hindi ho kayo
nag-padala sa akin ng pera para pang-kain ko at ng pamilya ko!” Pasigaw na
sumagot din agad si Ma’am: “Yung sinusweldo nyo dyan, kanino ba nanggaling huh,
sa aming mga customers nyo?” “Ma’am, sa isang buwan 100 pesos lang ho ang
niloload nyo para maging active lang ang roaming nyo, panu pong pinapalamon nyo
ako at ng pamilya ko?” Medyo mataas ng ang boses ko ng mga sandaling yun. Imbes
na sumagot pa, agad nyang ibinaba ang tawag, siguro napahiya s’ya.
Malakas ang loob kong mag-salita
ng ganun, kasi walang nakabantay na Quality Analyst at naka-disable din ang
aming recording nung mga oras nayun, kaya walang naging problema. Sanay na
akong mag-handle ng mga irate customers, pero pag-usapang pamilya, medyo hindi
ko na kayang pigilan ang aking sarili, lalaban talaga ako, kahit mag-ingles pa
ako. Isang buong araw kong kinimkim ang galit ko na iyun sa aking customer.
No comments:
Post a Comment