Wednesday, 15 July 2009

Bakla, Bakla! Anu ang inyong ginagawa?

Maliban sa pagiging isang simpleng ahente sa aming kompanya, kabahagi din ako sa isang komite para sa siguridad ng aming gusali. At bilang isang responsableng Pinoy, hindi ko pinababayaan ang mga trabahong ibinibigay sa akin. May mga pag-kakataong nag-rereview kami ng mga pasilidad ng gusali upang malamang kung name-meet ng kompanya ang mga requirements ng city hall at minsan naman ay nag-rereview kami ng mga CCTV, lalong-lalo na kung may mga kaso nakawan sa mga locker.

Habang nag-rereview kami ni Ate Rose ng mga video footage ng mga CCTV, isang eksena ang aking napansin sa gym. Hindi ko alam kung napansin din ito ni Ate Rose, pero feeling ko hindi, kasi medyo may edad na sya at walang pang salamin. “Charlie, Charlie, please proceed to the reception area!” ayun si Ate Rose yun, tinatawagan na pumunta sa reception area para sa isang update. Agad namang nilisan ni Ate Rose ang security room at dumeretso sa reception area na ilang hakbang lamang mula sa aming kinaroroonan.

Habang wala pa si Ate Rose, ako’y nakatitig lamang sa mga video na naka-compress sa iisang monitor, napansin kong may kung anong nangyayari sa loob ng gym. Medyo black and white ang dating ng video kasi nakapatay ang ilaw sa loob ng gym, pero halatang-halata at alam kong may dalawang tao doon. Sa aking pag-zoom, nakita ko na ang isa ay naka-upo sa isang gym ball at nakaharap sa isang lalaking nakatayo na nakaharap din sa kanya.  Ang lalaking nakatayo ay parang umiindayog ang katawan paharap. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano, pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung sino-sino ang mga beking iyun.