Maliban sa pagiging isang simpleng
ahente sa aming kompanya, kabahagi din ako sa isang komite para sa siguridad ng
aming gusali. At bilang isang responsableng Pinoy, hindi ko pinababayaan ang
mga trabahong ibinibigay sa akin. May mga pag-kakataong nag-rereview kami ng
mga pasilidad ng gusali upang malamang kung name-meet ng kompanya ang mga requirements
ng city hall at minsan naman ay nag-rereview kami ng mga CCTV, lalong-lalo na
kung may mga kaso nakawan sa mga locker.
Habang nag-rereview kami ni Ate
Rose ng mga video footage ng mga CCTV, isang eksena ang aking napansin sa gym.
Hindi ko alam kung napansin din ito ni Ate Rose, pero feeling ko hindi, kasi
medyo may edad na sya at walang pang salamin. “Charlie, Charlie, please proceed
to the reception area!” ayun si Ate Rose yun, tinatawagan na pumunta sa reception
area para sa isang update. Agad namang nilisan ni Ate Rose ang security room at
dumeretso sa reception area na ilang hakbang lamang mula sa aming kinaroroonan.
Habang wala pa si Ate Rose, ako’y
nakatitig lamang sa mga video na naka-compress sa iisang monitor, napansin kong
may kung anong nangyayari sa loob ng gym. Medyo black and white ang dating ng
video kasi nakapatay ang ilaw sa loob ng gym, pero halatang-halata at alam kong
may dalawang tao doon. Sa aking pag-zoom, nakita ko na ang isa ay naka-upo sa
isang gym ball at nakaharap sa isang lalaking nakatayo na nakaharap din sa
kanya. Ang lalaking nakatayo ay parang
umiindayog ang katawan paharap. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano, pero hanggang
ngayon hindi ko parin alam kung sino-sino ang mga beking iyun.
No comments:
Post a Comment