Para makabawas sa gastusin,
umuuwi ako sa bahay kapag tanghali, hirap kasing pag-kasyahin ang dalawang pisong
baon ko sa school eh. Isang ice candy lang ang kaya kong bilhin kapag recess namin,
habang ang iba ay may dala-dalang sopas, Snacku, Rinbee, Peewee at Zesto o
minsan naman ay buko juice. Kapag nakikita ko sila, naitatanong ko sa aking
sarili, bakit kaya andami nilang baon, habang ako nag-titiis sa iisang ice candy, pwede namang dalawa diba? Kaya
kapag tanghali mas ninanais kong umuwi sa bahay para tipid.
Hindi ko maitago ang aking nararamdaman
kapag pinapauwi na kami ng aming titser sa Filipino dahil sa wakas mapupuno
nanaman ng kanin at ulam ang tyan kong nag-iisang ice candy lang ang laman. Mapapanood
ko narin ang aking inaabangan, “Oh
Kirara . . . . . .” habang papalapit ako sa bahay, naririnig ko agad ang sound ng
aming black and white na TV na binili ng Tatay ko ng 1,500 pesos. Yan ang kanta
ng paborito kong palabas sa tanghali, ang “Kirara.”
Natutuwa ako kay Kirara dahil
parang nakikita ko ang aking sarili sa kanya; maitim, kulot ang buhok, sarat
ang ilong at makapal ang labi, yan ang
tipikal na hitsura ng isang Pilipino. So, Pilipino nga ako, hindi ko ito kayang
itago sa aking kapwa. Kaya minsan natatawag na akong “Kirara” ng aking mga
kaklase. Nung una, medyo hindi ko matanggap, pero nung kalaunan, okay narin.
No comments:
Post a Comment