Sa panahon ngayon, ang
pag-sasalita ng Inglis ay nagiging basehan narin economic status ng isang tao
sa lipunan. Maraming nagsasabi na hindi, but based on the experiences in my 25
years of existence, I can say: “English does matters.” Kapag magaling kang
mag-salita ng Ingles, iisipin agad ng ibang tao na nanggaling ka sa marayang
pamilya at Unibersidad. Idagdag pa natin na nagiging aspeto narin ang pag-dami
ng mga Overseas Filipino Workers sa iba’t-ibang panig ng mundo, na kung saan tanging
paraan lamang para mag-kaintindihan ay mag-salita ng Ingles, kaya mas nahahasa
pa sila sa pag-sasalita nito. At kapag OFW, dolyar ang kinikita na mas malaki
ang katumbas na salapi dito sa Pilipinas. Kaya nasa isip agad ng mga tao na
kapag OFW mayaman ka! Bakit kamo? Basahin nyo mga pangyayari sa baba, tapos may
pag-susulit tayo pagkatapos.
Sa cashier sa mall or
supermarket, may mga sales agents ng mga credit cards, housing and insurances;
maraming pagkakatong mukha akong mayaman, kaya inaabutan nila akong flyers ng
kanilang produkto. Pero may mga pagkakataon ding napakasimple ko, nakatsinelas,
naka short at shirt lang lalo na kapag medyo maulan, napapansin ko na hindi
nila ako inaabutan ng kung anu-anong abubot meron sila, pero kapag naririnig nila
akong nag-salita ng Ingles, dahil may tawag ako sa phone, aba sila sir at
ma’am, nagkakandarapa sa pag-abot sakin ng mga flyers.
Sa positibong aspeto; sa
pag-hahanap ng trabaho, regardless of your educational attainment and
background, kapag magaling kang mag-Ingles advantage mo agad yan. Dahil sa
isang bansang katulad ng Pilipinas na maraming lingwahe, kapag matatas ka sa
pag-sasalita ng Ingles, masuwerte ka! Mas marami ring opportunities para sa mga
taong marunong sa salitang banyagang ito, dahil dito nakasalalay ang kapasidad
ng isang tao upang mas makagawa pa nya ang mas maraming trabaho at maging
produktibo.
Marami pang mga pagkakataong
kakailanganin nating mag-salita ng iba’t-ibang lingwahe, mapa local man ito o
internasyunal. Matuto tayong pag-yamanin pa ang ating kapasidad sa iba’t-ibang
larangan, katulad ng pag-sasalita ng Ingles, nang sa ganun mabuksan natin ang ating
pintuan sa iba’t-ibang bagay na ikaka-unlad natin.
No comments:
Post a Comment