Wednesday, 30 July 2014

Sun Broadband - Super Unreliable

Three weeks na akong walang trabaho sa ngayon, hindi dahil tamad ako, may inaantay lang akong pinag-applyan ko last week. Gusto-gusto ko ang trabahong yun, kaya waiting galore talaga ako. While waiting, binabalikan ko ang mga part time jobs ko, gaya ng pagiging extra sa mga tapings and blogging.

ANNOUNCEMENT! Gamit ang aking android phone, pagbukas ko ng aming talent group sa facebook, yan agad ang gumulantang sakin. Panu naman kasi, taping at wala daw qualifications na hinahanap, picture lang, kasi daw iba-ibang klase ng talents kailangan nila. "Please send your photos to this email address . . . . " Walang patumpik-tumpik pa, agad kong kinuha laptop ko at nagbukas ng email ko to attach my gorgeous photos.

Sad to say, location ko: Cainta, Rizal, pero halos isang oras na akong nagbubukas ng gmail account ko, ayaw parin magbukas (please check photo above.) I tried opening my blogger account, hala ganun din. Excellent naman ang signal strength tapos naka HSDPA naman, but the speed of it is so UNRELIABLE. Tatlong taon na akong nagtitiis dito sa broadband nato, hindi ko naman maiwan kasi ang Smart totally walang pakinabang. Ang TM prepaid sim ko naman kahit papanu friendly sya pero hindi kasi maapprove plan ko sa Globe eh.

Sa mga gustong mag-avail ng mga broadband services sa mga mobile telecom companies, please beware sa signal strength sa lugar nyo. I do suggest na mang-hiram at mag-try muna kayo ng isang prepaid broadband sim, gamitin nyo ito sa lugar nyo mismo bago kayo kumuha ng isang plan. Kasi kapag nakaplan na kayo, naka lock-in na kayo sa mga kompanyang yan, kaya no choice kayo kundi ipag-patuloy. Kagaya ko, I have no choice, nagkulang ako eh, nadala ako sa mga commercial sa TV.

Thursday, 24 July 2014

Final Interview with the Client

12:05AM - I received a phone call from one of the recruiters of the center I applied two days ago. He said: "Congratulations! You passed the Operations Manager Interview held last night so please send me another set of your resume thru email because we'll be going to forward your resume to our client for a client interview, which will be your final interview."

"Sure!" yun lang ulit ang nasabi ko sa recruiter at sobrang masaya ako nung mga panahong yun. Habang ako'y nagbrowse ng updated resume sa laptop ko, nainis lang ako kasi ang Sun Broadband ko sobrang bagal, at hindi pa talaga ako makapag-upload ng resume as attachment. Kakainis diba? Ganoong oras, ambagal parin, kainis talaga! Natulog nalang ako ulit.

Alas singko ng umaga, nagising ako at pumunta sa bakery para bumili ng pan de sal sa malapit sa apartment ko at nagpaload sa TM Sim ko, ito ang gagamitin kong pang-internet since walang pakirambang ang Sun Broadband ko sa araw na ito at kailangan ko pang mag-email.

Medyo umuulan parin today, napapansin kong kapag nag-aaplay palaging umaarte ang kalangitan no? Anyways, medyo nagkaproblema ang paningin ko sa oras. siguro dahil medyo na-excite ako, at ang interview ko ay 9:45PM, ang akala kong oras nayan ay 8:45PM palang pala, kaya ayun medyo sobrang aga ko. Pero okay lang blessing in disguise naman sya, kasi antagal kong nakasakay ng jeep dahil medyo daming nag-aantay.

Bonga ang client interview ko today, nasa conference room kami ng kompanya, with two senior team leaders at kausap namin thru video conference and client fresh from the US, at medyo pogi pa sya. The interview lasted 15 minutes tapos pinauwi na ako, recruitment people will be in-charge to contact me if I pass the final interview. Hopping ako today! And till next time.

Tuesday, 22 July 2014

Final interview at Ecommerce

Hhaaayyy, hirap pag-tambay at mag-isa sa apartment, walang magawa; tulog, kain, tv – paulit-ulit sa isang araw puro ganun gawain ko. Today, aga kong nagprepare para sa Operations Interview sa E.com.  Natulog din ako sa tanghali, nagbabakasakaling lumaki pa ako, hahaha. Ang panahon ay medyo makulimlim parin dahil sa bagyong Henry, kaya medyo nakakatamad kumilos. Tapos gabi pa ang interview ko. Mangagaling pa akong Cainta, Rizal tapos Eastwood ang interview, goodluck sa leather shoes ko sa baha.

Tricycle, jeep, jeep ulit at isa pang jeep, total expenses ko ay 34 pesos one way palang huh. Before 11PM, I was able to reach the place of interview. My interviewer was a Senior Team Supervisor; questions were basic, he did ask me on some personal questions, educational background and working experiences. The interview took less than 30 minutes. At the end, the interviewer said: “If you’ll pass this interview, our recruitment team will contact you for another interview, but this time it will be a client interview.”

I left the office while hoping for a positive feedback. By the way, galing akong E.Commerce building, then lakad galore ako sa city walk palabas ng Eastwood; habang bumabagsak ang ulan, kasabay din nito ang kalungkutang nararamdaman ko. It was already 1AM when I reached my apartment. Hubad ng sapatos, pantalon, shirt, hilamos, then took a rest.

Monday, 21 July 2014

Call Centers in Eastwood

Alas otso palang ng umaga, pagkatapos manood ng One Piece; inihanda ko ang aking sapatos na gawa sa balat, jeans at ang checkered kong long sleeve. Naligo na ako at nagprepare, kahit pa medyo umuulan at makulimlim ang panahon. Porsegido na akong maghanap ng trabaho, kasi naman nauubos na ang kayamanan ko. Nabuburyong ako sa apartment, walang magawa puro nalang panunuod ng anime, drama, horror at pati hubaran pinanood ko narin, pampainit lang, kasi medyo umuulan eh.

Hindi ko alam kung lumaki ang paa ko, o talagang maliit lang talaga ang sapatos ko, sabi nga nila: “tiis ganda” ang peg ko today. 10:30AM, sinadya ko ang Eastwood sa Libis para sa isang interview sa IBM Plaza. Initial interview -> pasado! balik daw bukas para interview with recruitment manager. Pagkatapos naman sa unang kompanya, sinadya ko naman ang isa pang call center, E.Commerce -> initial interview -> PASSED! Balik daw tonight at 10:30PM. Umuwi na ako na puno ng kompyansa at hopeful na makakahanap ako ng panibagong pagkakakitaan, medyo nauubos na kasi kayamanan ko sa bangko eh. Pagkabalik ng bahay, nood tv, kain at tulog lang ginawa ko.

10:30PM, balik kompanya naman ako, but I was informed to be back tomorrow because the operations manager who will be conducting the interview is out of office for a reason. So, naglakad akong may lungkot sa mga mata at sinabayan pa ng pag-bagsak ng ulan. Haaayyy. Bukas ulit, anu kayang mangyayari?? Abangan, till next time.