Good Morning! Unang gabi ko dito sa Quezon City. Aga kong nag-prepare today para sa ikalawang proseso ng application ko with West. Kahit papanu, medyo nakatulog at nakapag-pahinga rin ng konti, medyo namamahay pa kasi katawan ko eh. Breakfast namin ay kanin at bangus naman ang ulam. Today, hindi na makakasama ang Tito ko, kasi isa s'yang tricycle driver at kailangan din n'yang mag-hanap buhay. Ibinigay lang n'ya ang instructions at kung anu ang mga sasakyan. Buti nalang medyo mabilis akong makapick-up ng location instructions.
Mula Diliman, Quezon City sumakay ako ng ordinary na bus na dadaan ng Ayala Avenue or Chino Roces, kasi yun ang instruction eh. Dahil medyo maraming nakasakay, nasa may mega mall na ako nasingil ng konduktor. At nalaman ko nalang na mali pala nasakyan ko, kaya ibinaba n'ya ako sa crossing at pinasakay ng ibang bus na dadaan ng Chino Roces Avenue. Habang nasa byahe, hindi ko inalis ang paningin ko sa labas ng bus, baka kasi mawala nanaman ako.
Nung medyo malapit at nakita ko na yung Export Bank Building, bumaba na ako at nag-lakad. Habang nag-lalakad, kinakabahan ako kasi mag-eelevator nanaman ako, e hindi nga ako marunong diba? Ibinigay ko ang aking ID sa receptionist then proceeded to the elevator lobby. Simple kong pinindot ang 24 sa elevator floor selector at nanalamin sa walls ng elevator. At gandang-ganda ako sa sarili ko nung mga panahong yun.
So the same process happened, filled out the attendance sheet then waited for my name to be called. Isang lalaking matangkad, gwapo, makinis at may dalang mga papel ang lumabas at tinawag ang pangalan ko. Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya papasok ng kuwarto, wag kayong mag-isip ng green huh, interview lang ang nangyari at wala nang iba pa. Ayun, questions were asked and I answered with the best of my knowledge.
After the interview, I was informed that if I'll pass the interview, they will be contacting me for the training. After nun, medyo hopeful parin ako. Bumaba ako ng building, kinuha ang ID ko sa reception area, then proceeded dun sa right side ng building at nag-abang ng bus pabalik ng Diliman, Quezon City. Pagkarating ng bahay, ayun interview ulit kung anung nangyari sa interview. Sabi ni Tito: "Wag ka munang umasa, para hindi ka maprostrate." Ganun pala yun!!! Kaya ayun move on nalang daw ako.