Tuesday, 19 June 2007

West Contact Center Application

Walo hangang sampung oras ang byahe namin mula probinsya hangang Batangas Port. Pagbaba ng barko, deretso kaming bus terminal, mas pinili naming sumakay sa ordinary bus kasi mas mura at nasusuka kasi ang Ate ko sa aircon. Habang nasa byahe, hindi ko parin maalis ang kalungkutan ko dahil sa paglisan sa aking pamilya. Mabilis ang patakbo ng bus driver, pero dahil medyo nagbubukang-liwayway na, nakita ko ang mga gusaling nag-tataasan at sa panahong yun, nabuo ulit ang isang pangarap na makapagtrabaho sa isang matayog na istruktura.

Kakarating lang namin ng Kamias, Quezon City, siguro mga alas otso na ng umaga yun; tapos sinundo kami ni Tito at Auntie sa may DILG building. Breakfast ng pandesal at kape. Konting kwentuhan with the cousins then prepared for my huge day. Plinantsa ko ang jeans ko na medyo bitin dahil medyo may kalumaan na, pero hindi pa naman halata; isinabay ko narin ang polo ko na kulay green na ipinamana pa sakin ng aking ama, medyo body fit sya na polo; tapos pekeng Converse naman ang pambaba.

Dahil nga baguhan ako dito sa kamay-nilaan, sinamahan ako ni Tito sa West Contact Center sa Makati. Ito ang kompanyang nagbigay ng isang "Referral Slip" sa Tita ko. Bitbit ang kung anu-anong documents, resume at kompyansa, sumakay kaming ordinary na bus patungong Makati. Habang nasa bus, natanaw ko ang nag-tataasan at nag-gagandahang mga gusali at syempre ang pamosong SM Mega Mall, hindi ko makakalimutan yun. Nasaksihan ko din ang mga napapanood ko sa tv na sisikan at tayuan sa bus, ganito pala ang pakiramdam dito sa Metro Manila.

Mga alas dyes na yata yun ng umaga ng kami'y nakarating sa Ayala Avenue; habang patawid kami ni Tito, itinuro n’ya ang isang napaka-glamorosong istruktura at sabi nya lang: “Dyan tayo pupunta!!” And I was so excited and I can’t hide it! Pagpasok na pag-pasok, agad kong nakita ang mga taong mukhang mga mayaman, nag-tataasan ang mga heels, coat and tie ang peg. Nanliit ako kanina habang sila’y pinagmamasdan. First time kong ring nag-elevator, kaya ang mga mata ko ay nakatitig lang sa mga ginagawa ni Tito at ng iba, baka mapahiya ako eh. Kailangan, alam ko din kung papano gumamit ng elevator. 

Pag labas ng elevator, kinausap ko ang guard sa lobby, at aba engleshera si Mam. E dey nag-english narin ako kahit medyo barok ng konti ang accent. I submitted my resume to the receptionist on duty, then waiting galore to be called. Medyo kinakabahan parin ako while waiting for my time to shine. Nag-karoon din ako ng chance na makausap ang iba't-ibang mga applicants. 

Ayun na!!! Tinawag na ang pangalan ko, I stood up and followed the girl wearing 5 inches na heels na halos madapa na dahil sa taas. She introduced herself then gave the instructions about computer exams. The exams consists of grammar, computer keme at kung anu-ano pa. Syempre fresh graduate ako, at I was so confident that I could pass that exam. And I surely did! Pasado ako!

Next step was initial interview. Dun na ako nakaramdam ng pressure, kasi naman ang pogi nung nag-iinterview sakin. Hindi ako prepared. Kaya medyo nanlamig talaga ako kanina dahil siguro sa gutom, tapos umiikot na ang paningin ko. Hahaha, but it was fine. I passed the exams and interviews, balik daw tomorrow for final interview. Tingnan natin bukas.

No comments:

Post a Comment