Napakalaking bag na may tatak na "Adidas" ang aking binuhat paakyat putungong kalsada, kasi medyo mababa lugar ng bahay namin. Hindi pangmayaman yung bag ko huh, pekeng tatak lang yan, bili pa ng Tatay ko limang taon na ang nakakaraan, kaya medyo antigo na talaga sya. "Nay, Tay Alis na kami!" lungkot na lungkot ang tono ng boses ko ng mga panahong yun. "Sige ingat ka huh!" Pagkarinig na pagkarinig ko ang mga salitang yun, hindi na ako sumagot pa, agad akong naglakad patungong kalsada. May suot akong kulay brown na shades nun, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla nalang may luhang pumatak mula sa mga mata ko. Napansin yun ni Ate pero nagkunwari nalang syang wala syang nakita.
Siguro mga 20 minutes ang layo ng pyer mula sa bahay namin, sakay kami ng isang motorsiklo ng isa ko pang pinsan. Isa pang motor ang nasa likod namin, sakay naman ang Nanay ko. Nung mga panahon yun, medyo nawawala na ang lungkot ko, at napapalitan na ito ng excitement sa mga posibilidad na pwedeng mangyari sa buhay ko sa Maynila.
Pagdating namin sa pyer, Nanay ko ang nag-asikaso ng ticket namin, kasi may pinsan kaming nag-tatrabaho dun, at nagbakasakali syang mabibigyan kami ng libreng passes. Natuwa naman kami kasi pag-labas n'ya ng ticketing office, may isang ticket ang libre, so isang upuan lang ang naibigay samin, pero okay lang, marami namang karton sa loob ng barko na pwede naming tulugan. Sinamahan pa kami ni Nanay sa loob ng terminal habang nag-aantay ng boarding namin sa barko.
5PM, nag-annouce na ng aming boarding. Simpleng pamamaalam lang ang aking ginawa dahil natatakot akong may mga luha nanamang umagos sa mga mata ko. "Walang kiss, walang bye!" Hindi ko gawain yun eh, kasi alam kong babalik pa ako sa tamang panahon. Pagkahanap ng aming upuan, agad kaming naghanap ng space na pwede naming pag-lagyan ng karton na pwede naming pag-pahingahan pag-inantok. Since maganda ang panahon, mas pinili naming iwanan ang gamit namin sa upuan at doon kami sa itaas ng barko namahinga habang nakatitig sa kalangitan.
No comments:
Post a Comment