"Krriinnngggg!! Kriiinngggg!!!!”
habang kamakain kami, kasama pamilya ko, nagring ang Nokia 8210 ko. Ang auntie
ko ay tumawag informing me if I am interested to work in a call center. Sabi
nya: “may natanggap akong referral sa isang call center, baka interesado kang
applyan?” Dahil wala akong trabaho, at pangarap ko ding makapagtrabaho sa ganung klaseng kompanya; “Sige!” yun lang ang nasambit ko at wala nang isip-isip pa.
Pagkatapos nang tawag na iyon,
agad kong sinabi ang napag-usapan namin ni Auntie sa mga magulang at kapatid
ko. Shocked silang lahat, because we didn't expect for it, it just came across our lives. Subalit, mahirap lang ang pamilya ko, at nasakto pang may pinag-kagastusan
kami, kaya ayun, sinadya ko ang isa ko pang auntie para mangutang ng pera. Pag-katapos ng tanghalian namin, agad
akong nag-lakad sa mga pilapil at tinungo ang bahay ni auntie na nasa kabila
pa, siguro mga isang kilometro din yun. Pagkatapos ipaliwanang ang mga
bagay-bagay, agad nyang inabot sakin ang pera. Tanging isang libo lang ang
naipahiram sakin ng auntie ko, subalit masayang-masaya na ako noong mga
panahong iyon. Habang pauwi, puno ako ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam, para bagang may something sa loob ng katawan ko.
Pagkabalik na pagkabalik ko ng
bahay, agad akong nag-empake ng mga gamit, lahat inilagay ko sa bag, lalo na
ang mga dokumento at kung anu-ano pa. Habang ako’y nag-eempake, alam kong lungkot
na lungkot ang nanay ko habang pinanonood ako. First time kasing may mahiwalay
sa pamilya namin para mag-trabaho sa Maynila. At take note, hindi ko pa alam
kung saan ang punta ko, kasi grade 4 pa ako nung last time na pumunta sa
kanila, kaya kahit papanu, nag-aalala din sila. Puro paala-ala lang ang naririnig
ko na sinasabi ni Nanay habang ako’y nag-hahanda na. Buti nalang medyo maraming
pera ang sister ko, nag-pahiram din sya ng pera, tapos sinamahan pa nya ako papuntang
Maynila, baka daw ako mawala sa lapad ng ka-Maynilaan.
No comments:
Post a Comment