Ilang araw din akong hindi
nakapag-internet, buti nalang wala nang ulan, ito nakapag-internet na ulit ako
dito sa suki kong computer shop. Sabi nga sakin ni ate na tagapag-bantay,
“Medyo matagal kitang hindi nakita ah.” Sagot ko lang din naman: “Oo nga eh,
medyo naging busy lang talaga.” Pashowbiss akong sumagot diba? Kahit wala namang ginagawa sa bahay. Medyo basa parin
ang mga kalsada sa ngayon, dahil sa ulan netong mga nakaraang araw.
Update ko lang kayo, sa ilang
araw buhat nung ako’y mag-set-up ng online resume sa JobStreet at JobsDB medyo
dumami ang mga txt messages na na-receive ko mula sa iba’t-ibang kompanya. May
time nga na nasa sala ako, nag-lalaba sa wash room – yaman namin no? May wash
room, tanung lang, pwede bang mag-laba sa bath room?? Pwede bay un?? Anyways,
minsan nga naririnig ng mga pinsan ko ang interview eh, pero who cares? Pasikat
ako sa lahat ng bagay!
Marami din akong kompanyang
pinuntahan nung mga nakaraang araw. This time nakaya kong hanapin ang mga lugar
ng interview mag-isa. Kagaya nalang sa Makati at Ortigas Center. Bale ang
ginawa ko, pinag-sama-sama ko ang mga kompanyang nasa iisang lugar para mas
tipid sa budget at tipid pa sa time and effort. Sandali check muna akong update
sa mga applications ko huh.
No comments:
Post a Comment