Monday, 2 July 2007

Online Job Application

Hhaaayyy!. Buhay tambay parin ako hangang sa ngayon, mag-iisang buwan narin ako dito sa Quezon City. Ito job searching parin ako, sa totoo lang ubus na ang pera kong iniwan ni sister sakin. Panung hindi yun mauubus eh 1,500 pesos lang naman kasi yun at syempre may mga personal din akong pangangailangan at pinag-kakagastusan. Kagaya nalang ng pag-hahanap ng trabaho sa internet. Buti nalang talaga may malapit na computer shop sa tinitirahan ko kaya konting kembot lang talaga. Ayun 20 pesos per hour din ang parenta nila, libre porn browsing huh, kaya ayun napamahal na sakin ang shop na yun. Hahaha. Joke lang po!

Habang nag-hahanap ng pwedeng pag-applyan sa google, friendster naman sa kabilang tab. Hindi ko alam pero natutuwa kasi akong makita ang updates ng lima kong friends. Kapag tinatamad ng mag-hanap ng ibang magiging friends online, ayun back to job hunting ulit at sa bawat position search ko, lumalabas ang website ng JobStreet at JobsDB. Anu kaya tong mga to?

Ang JobStreet at JobsDB ay mga websites na kung saan nagbibigay sila ng listahan ng iba’t-ibang kompanya at kani-kanilang mga bakanteng posisyon na pwede mong applyan in the comfort of your own home, pero in my case “comfort of the computer shop” walang computer at internet sa bahay eh.  Kahit papano, medyo na-focus ako sa pag-aaplay dahil sa dami ng mga pag-pipilian at hindi sa Friendster. Nag-set-up akong online account sa mga websites na yun, para ang mga kompanyang interesado sa profile ko ang tumawag sakin at hindi na ako masyadong magastusan sa internet. Tingnan natin sa mga susunod na mga araw kung magiging okay ang pag-aaplay ko. Matagal na ulit akong makakapag-publish ng post kasi nagtitipid na ako huh, sayang ang bente pesos.

No comments:

Post a Comment