Thursday, 12 July 2007

Mga Trabaho sa Tabloid

Maliban sa online application, dahil sa pag-nanais kong makahanap ng trabaho as soon as posible, pinatulan ko narin ang mga trabahong naka-paskil sa mga tabloid. Nung una sabi ng Tito, mag-ingat daw ako sa mga ganung arte na application, pero itinuloy ko parin ang pag-aaply.

Ang application ko ay sa pamamagitan lamang ng pag-send ng mga txt messages sa taong nakalagay sa tabloid. Mga trabahong data encoder at iba pang office works at aking ina-playan. During our conversation, everything sounds good, the way the recruiter sent messages and provided instructions, it was really nice, so I didn’t hesitate to say YES when they invited me for an interview in PRC in Makati.

Syempre bitbit ko ang resume at mga documents ko during the application. I took a bus passing Chino Roces Avenue, then naglakad lang ako dun malapit sa gasolinahan near FEU, malapit lang talaga eh. When I was already at the entrance of the building, napansin kong medyo hindi ganun ka modern at hindi ganun ka-ganda ang ambiance sa loob, but I proceeded to the second floor, as instructed.


May guard na nakatambay sa pintuan ng office, so nag-tanong ako if who’s this person which was my contact person. Kinuhaan n’ya akong resume then he forwarded it to the recruitment daw. Tinawag ang aking pangalan at nag-exam, sa totoo lang madali ang exam. In short, naipasa ko lahat pati interview. Pero sa dulo, hinihingan akong 1,200 pesos, para daw sa processing at medical keme. Eh, bilin kaya ng tito ko wag daw mag-babayad kapag nag-aaplay, kaya ayun, umuwi akong luhaan ulit. Till next time!

No comments:

Post a Comment